^

Probinsiya

3 dayong ‘kawatan’ ng LBC, timbog

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

STA. ROSA, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang tatlo sa apat na lalaking dayo na nagtangkang manloob sa isang sa­ngay ng LBC makaraang ma­huli sila sa akto ng pulisya na sinisira ang entrada ng nasabing establisimyento sa Brgy. Cojuangco, dito, kama­kalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Fortune Diane Bernardo, hepe ng pulisya rito, ang tatlong nadak­mang suspek na sina Bernardino Tan, 47, may-asawa, driver; Ian Sebastian, 30, may-asawa, construction worker, kapwa ng Novaliches, Quezon City at Garry Pioquintio, 41, binata, dance instructor ng Bagong Silang, Caloocan City.

Ang suspek pang si Warren Fernandez, 21, may-asawa ng Novaliches, Quezon City ay nakatakas at pinagha­hanap na ng awtoridad.

Ayon sa ulat, alas-5:35 ng umaga isang tawag sa hotline number ang natanggap ng pulisya ng Sta. Rosa hinggil sa insidente ng nakawan mula sa isang concerned citizen na napadaan habang nagdya-jogging sa nasabing branch ng LBC at nakapansin sa apat na lalaking tila nilooban ang nasabing puwesto.

Agad na rumesponde ang pulisya sa lugar at nang makita ng suspek na si Fernandez ang paparating na pulis ay mabilis na sumibad sakay ng isang motor­siklo. Naabutan naman ng mga pulis ang tatlo pang suspek habang binabasag na ang salamin na secondary wall ng LBC branch sanhi ng kanilang pagkakaaresto.

vuukle comment

LBC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with