^

Probinsiya

Dredging sa Cagayan River, sinimulan na

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nakatakdang um­pisahan ngayong araw ang rehabilitasyon ng Cagayan River sa lalawigan ng Cagayan kasabay ng paggunita sa World Wetland Day.

Ayon kay Executive Director Gwendolyn Bambalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Cagayan Valley (Region 2) ang ceremonial dredging sa Cagayan River, na isasagawa sa bayan ng Lal-lo ay pangungunahan nina DENR Secretary Roy Cimatu at Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark Villar.

Bahagi ng programa, bilang hudyat ng pormal na operasyon ng nasabing proyekto, ay magsasagawa rin ng bamboo planting ang ibat-ibang opisyal at sector ng pamahalaan para tamnan ng 185  na kawayan ang 925-meter na  paligid ng Cagayan River sa bahagi ng Barangay Bangag sa bayan ng Lal-lo.

Ayon sa ipinalabas na pag-aaral ng binuong Build Back Better (BBB) Task Force, ang mga sandbars  na matatagpuan sa Barangay Bangag sa bayan ng Lal-lo, Barangay Casicallan Norte at Dummun sa bayan naman ng Gattaran, na may sukat na halos 275 hectares at humigit kumulang sa 7 million cubic meters, ay nangangailangan ng agarang dredging para makadaloy ng maayos ang tubig sa Cagayan River palabas sa bayan ng Aparri kung saan magsasalubong ang dagat at ilog.

Bukod sa mga nabanggit na lugar ay umabot din sa kabuuan na 19 sandbars ang kinakailangan ng dredging ayon na rin sa pag-aaral at rekomendasyon ng DPWH.

Ayon naman kay Gov. Manuel Mamba, pangulo ng IAC, isasagawa ng Great River North Consortium at Riverfront Construction Inc. ang river restoration na walang gastos ang pamahalaan kung kaya’t mala­king tulong ito para maiayos ang daloy ng tubig sa Cagayan River na nagdudulot ng panganib at nagpapalubog sa mga kabahayan hindi lamang sa lalawigan ng Cagayan kundi maging sa Isabela tuwing may bagyo o tag-ulan.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with