^

Probinsiya

Brgy. chairman sa Bulacan, nagbitiw

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

GUIGUINTO, Bulacan, Philippines — Isang barangay chairman ang biglang nagbitiw sa tungkulin sa lalawigang ito na umani ng iba’t ibang espekulas­yon sa mga kasamahang opisyal.

Epektibo kahapon, nagbitiw si Ed Silva bilang chairman ng Brgy. Poblacion, Guiguinto sa pamamagitan ng inihain nitong resignation letter kay Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. na copy furnished sa Department of Interior and Local Government (DILG-Guiguinto) noong Enero 23, 2021.

Dahi dito, nagulat at nagtaka ang iba sa pagbibitiw ni Silva at umugong pa na posibleng may kinalaman ito sa “graft and corruption”.

Gayunman, nilinaw ni Guiguinto Vice Ma­yor Eliseo Santos Jr. na kailangang tutukan ni Silva ang kanyang mga negosyo, lalo na ang trucking nito na matagal na niyang napabayaan. Aniya, tanging ang pagbibitiw lamang ni Silva sa tungkulin bilang tserman ang makakasalba sa mga negosyo nito.

Hahalili bilang Brgy. Captain si numero unong kagawad Manny Bernardo at magsisimulang manungkulan bilang bagong ama ng Brgy. Poblacion simula ngayong araw matapos na makapanumpa kay Mayor Boy Cruz.

vuukle comment

CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with