^

Probinsiya

Para iwas COVID-19, ‘wag tataya sa jueteng, STL – Gob. Mamba

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — “Pakiusap. No to jueteng (STL/Peryahan ng Bayan).”

Ito ang mga kataga ni Cagayan Governor Manuel Mamba na mababasa sa mga naglalakihang tarpaulin bilang isa sa mga hakbang para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Mamba, bukod sa ilegal ang operasyon ng mga nasabing sugal, malaki ang posibilidad na carrier sa nakamamatay na virus ang mga bet collectors o mga kabo at kubrador na nagkalat sa buong lalawigan.

Aniya, umiwas sa pagtaya sa mga nasabing sugal lalo na at karamihan sa mga kubrador ay hindi sumusunod sa mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield sa kabila ng pakikisalamuha nila sa iba’t ibang tao araw-araw.

“Huwag po tumaya sa Jueteng, STL, Peryahan ng Bayan dahil ilegal po ito. Huwag na huwag tumawag dahil ang mga kubrador o collector ng jueteng ay puwedeng sila ang magdadala ng COVID sa inyo o sa bahay niyo,” babala pa ni Mamba.

Ang mga tarpaulin ay makikita sa ibat-ibang mga kilalang gusali sa lalawigan, mga pasyalan o mga pampublikong lugar, ospital kabilang na ang mga pasilidad ng pamahalaang panlalawigan.

Nauna rito, ipinagbawal din ni Isabela Gov. Rodito Alabano III ang pagpapataya ng Small Town Lottery (STL) at anumang uri ng bet collection habang sumasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang kanilang probinsya upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with