^

Probinsiya

P2.3 milyong marijuana winasak sa Kalinga

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Muling naka-puntos ang mga awtoridad sa kanilang kampanya laban sa droga matapos wasakin at sunugin ang isa pang plantayon ng marijuana sa bahagi ng Tingalayn, Kalinga, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Batay sa report na nakarating sa tanggapan ni P/Col. Davy Vicente Limmong, Provincial Police Director ng Kalinga, tinatayang nasa 11,600 na mga fully grown marijuana plants na nakatanim sa mahigit 1,000 square meters ang sinunog ng mga operatiba ng pulisya sa isang liblib na bahagi ng Brgy. Buscalan, Tingalayan nitong Huwebes.

Matapos makumpirma ang taniman ng marijuana, agad na ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit (PIU/DEU), Kalinga Provincial Police Office, Tinglayan PNP, Lubuagan PNP, 2nd KPMFC, 1503rd RMFB, at mga ahente ng anti-narcotics ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga puno ng marijuana na nasa P2,320,000 ang halaga at agad sinunog sa lugar.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with