^

Probinsiya

Trike sumampa sa center island, driver dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Patay matapos na diretsong rumampa sa Center island ang minamanehong tricycle ng Isang 34-anyos na mister habang bumabagtas sa kahabaan ng  Congressional Road, Brgy. Pob­lacion 4, Gen. Mariano Alvarez, dito sa lalawigan.

Patay agad sa insidente ang biktimang si  Eric Aguilar, 34- anyos, may asawa,  residente ng B10, L40 Barangay ­Al­diano Olaes, GMA, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:30 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle sa nasabing lugar nang mawalan ng kontrol sa manibela dahil sa sobrang bilis ng patakbo nito kung kaya tuluy-tuloy itong rumampa sa center island.

Wasak ang tricycle ng biktima na kanyang ikinaipit at inabot pa ng may mahigit kalahating oras bago siya naitakbo sa Carsigma Hospital.

Pero dahil sa maselang lagay,  agad nilipat ang biktima sa East Avenue Medical Center at dito na siya binawian ng buhay habang ginagamot.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with