^

Probinsiya

3 sasakyan inararo ng truck: 4 patay, 7 sugatan

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
3 sasakyan inararo ng truck: 4 patay, 7 sugatan
Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office, kinilala ang mga nasawi na sina Edgar Adesas, truck driver at helper nitong si John Rey Basilan.
Philstar.com/File

BATANGAS, Philippines — Apat na katao kabilang na ang isang police officer ang nasawi samantalang pito naman ang sugatan matapos araruhin ng isang trailer truck ang tatlo pang sasakyan sa bayan ng Nasugbu, dito kahapon ng umaga. 

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office, kinilala ang mga nasawi na sina Edgar Adesas, truck driver at helper nitong si John Rey Basilan. 

Kabilang din sa mga nasawi sina Police Lt. Col. Charlie Abot at isang bystander na si Rachelle Dime. 

Sa isinagawang im­bestigasyon, binabagtas nina Adesas at Basilan ang palusong na highway sakay ng Isuzu trailer truck (TUC 965) na may kargang steel bars nang sumabog umano ang gulong ng kanilang sasakyan sa may Sitio Bayabasan, Brgy. Aga, Nasugbu bandang alas-7:00 ng umaga

Dahil dito, inararo ng truck ang sasakyan ni Lt Col. Abot na Toyota Vios (AJA 2193) na agad nitong ikinamatay. Nahagip din ng truck si Dime na noo’y nagwawalis lang sa gilid ng kalsada. 

Kasama rin sa mga nahagip ng truck ang isang Toyota Wigo (ABP 9771) na minamaneho ni Jomer Deñoso at isa pang Toyota Fortuner (ZFZ 867) na minamaneho naman ni Police Staff Sergeant Cesar Seña.

Sina Deñoso at Seña ay kabilang sa pitong iba pang nasaktan sa insidente na isinugod sa Jabez Medical Center at Apacible Memorial Hospital. - Doris Franche

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with