^

Probinsiya

COVID-19 vaccine simulation, sinimulan sa Carmona

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 vaccine simulation, sinimulan sa Carmona
Ang lokal na pamaha­laan ng Carmona ang kauna-unahang bayan sa Cavite na nagsagawa ng “simulation vaccine rollout” para sa COVID-19 na idinaos sa Carmona Community Center (C3) sa Barangay Cabilang Baybay.
AFP/Yaksin Akgul

CAVITE, Philippines — Sa kauna-unahang programa, isinagawa sa bayan ng Carmona, dito sa lalawigan ang simulation ng COVID-19 vaccine.

Ang lokal na pamaha­laan ng Carmona ang kauna-unahang bayan sa Cavite na nagsagawa ng “simulation vaccine rollout” para sa COVID-19 na idinaos sa Carmona Community Center (C3) sa Barangay Cabilang Baybay.

Ang nasabing lugar na itinalagang main COVID-19 vaccination site ay hinati sa anim na sections. Una ay ang waiting area; panga­lawa: ang registration area pangatlo: ang pre-vaccination, counseling, and final consent area; pang-apat: screening area; panglima: vaccination area at ang pang-anim ay ang post-vaccination monitoring area.

Bukod sa Carmona Community Center, may satellite locations din na itinayo sa Brgys. Bancal at Lantic sa bayan ding ito.

Ang COVID-19 Data Ma­nagement Unit ay nasa Katsumi Onda area ng Carmona Municipal Hall kung saan ang Municipal Information Technology Unit ang nagtalaga para na rin sa kaligtasan ng COVID-19 vaccine reci­pients’ information.

Samantala, ang Municipal Health Office naman ay natapos na ang preparasyon para sa cold storage facility ng COVID-19 vaccines.

Ang simulation activity ay pinangunahan ni Municipal Mayor Roy Loyola, Congresswoman Dahlia Loyola, Vice Mayor Cesar Ines Jr., at ang mga mi­yembro ng Sangguniang Bayan at ng Municipal Health Office na si Dr. Homer Aguinaldo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with