^

Probinsiya

2 ‘tulak’ utas sa buy-bust sa CamSur

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� utas sa buy-bust sa CamSur
Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Bartolome Lawsin, 33, at Ronald Aragon, 32, kapwa residente ng Barangay Tara sa naturang bayan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang tulak umano ng droga ang napaslang matapos manlaban sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad sa Sipocot, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Bartolome Lawsin, 33, at Ronald Aragon, 32, kapwa residente ng Barangay Tara sa naturang bayan.

Sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), aarestuhin na sana ng mga otoridad ang mga suspek matapos na magposi­tibo ang buy-bust ng poseur buyer dakong alas-10 ng gabi nang tumakas sila gamit ang kanilang sasakyan hanggang sa magkahabulan at magpalitan ng putok.

Bunsod nito, bumulagta ang dalawang suspek dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa katawan.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with