^

Probinsiya

Bulacan, No. 8 ‘most competitive’ na lalawigan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Kinilalang muli ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel Fernando bilang isa sa “most competitive” na lalawigan sa bansa matapos makamit ang ika-walong puwesto sa 76 na iba pang kalahok sa Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI) Awarding sa idinaos na 8th Regional Competitiveness Summit sa pamamagitan ng isang virtual recognition ceremony kamakailan.

Nabatid na dati nang nakamit ng Bulacan ang ika-49 na pwesto noong 2018 CMCI Awards at ika-9 naman sa isinagawang pagkilala noong nakaraang taon.

Sa isang online conference na isinagawa kahapon, iprinisinta ng DTI-Bulacan ang mga pinakamahuhusay na local government units at kinilala ang kanilang kagali­ngan base sa iba’t ibang haligi kung saan nakamit ng bayan ng Baliwag ang ika-3 na puwesto sa pangkalahatang kahusayan habang ang Santa Maria ay nagkamit ng ika-5 na puwesto; Lungsod ng San Jose Del Monte, pang-15; bayan ng Marilao, pang-17; lungsod ng Meycauayan, pang-31; lungsod ng Malolos, pang-35; Plaridel, ika-38; Pulilan,  ika-46; at Bocaue na nasa pang-68 na puwesto.

Sa ngalan ng gobernador, sinabi ni Provincial Admi­nistrator Antonette Constantino na gumagawa ng mga paraan ang Bulacan upang makaakit pa ng maraming mga negosyo at oportunidad na makapag-aambag sa pag-unlad ng lalawigan.

Bukod pa rito, inilunsad rin ng DTI-Bulacan ang OTOPBULACAN.PH, isang online platform para sa One Town, One Product Program na naglalayong tumulong at sumuporta sa mga may-ari ng micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs) upang maipakilala at maibenta ang kanilang mga produkto lalo na ngayong panahon ng pandemya.

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with