^

Probinsiya

3 drug pusher todas sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Nasawi noon din ang tatlo umanong noturyos na drug pusher matapos na manlaban sa isang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ito.

Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na kinilalang si Sandy Camacho Encinares,nasa hustong gulang,may-asawa at residente ng Brgy.San Juan,Pili,Camarines Sur sa Purok 7A,Brgy.Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Sa ulat,alas-2:50 ng madaling araw kahapon inilatag ng mga pulis ang buy-bust operation laban sa suspek.

Gayunman,makaraang magkaabutan ng droga at akmang aarestuhin ang suspek ay bumunot ito ng kanyang baril kaya mabilis siyang pinaputukan ng mga operatiba na agaran niyang ikinasawi.

Nakuha sa kanya ang Kalibre 38 baril at ilang sachet ng shabu.

Dakong alas-4:50 naman ng hapon noong Miyerkules, patay ang dalawang tulak na sina Ronald  Arago, 32; at Bartolome Lawasin,33,matapos umanong maki­pagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Gaongan sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur.

Nabawi kina Arago at Lawasin ang isang Kalibre 38,12-gauge shotgun at tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 20-libong piso.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with