Lider ng Lumad na NPA sumuko
MAGUINDANAO, Philippines — Isang lider ng mga katutubong Lumad na miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa Sultan Kudarat ang nagbalik-loob sa gobyerno at isinuko ang baril matapos na kumalas sa kilusan ng Communist - New People’s Army-Terrorist (CNT) matapos na sumuko sa headquarters ng 38th Infantry (WE CLEAR) Battalion sa Sitio Tibulos, Brgy. Baliango, Palimbang, Sultan Kudarat.
Sa ulat ni Lt. Col. Anhouvic Atilano, deputy chief ng Division Public Affairs Office at tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) Division, ang sumukong dating rebelde na ‘di pinangalanan para sa kanyang seguridad ay tumatayong lider ng Kisasabanay Dulangan Manobo (Kiduma) at dating kasapi ng Platoon Telego, Guerilla Front 73 under Far South Mindanao Region. Kasama sa isinuko ng dating rebelde ang cal. 30 M1A1 Garand rifle, six magazine clips, Forty-three rounds ng ammunition at isang bandolier.
Sinabi ni Major General Juvymax Uy, commander ng 6th ID at JTF Central, sumuko ang dating rebelde dahil sa mas pinaigting na focus military operations sa mga sundalo sa kabundukan ng Sultan Kudarat.
- Latest