2 lalaki itinumba
TINAMBAC, Camarines Sur , Philippines — Bulagta ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin ng mga armado sa magkahiwalay na barangay ng bayang ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na parehong agad nasawi na sina Freddie Bermeo Gacer, 45-anyos, binata, magsasaka at residente ng Brgy. Binalay at Elmer San Buenaventura Refugio, 43-anyos, may asawa at residente ng San Antonio, pawang sa Tinambac.
Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, bumisita sa kanyang bukirin sa Brgy.Olag Grande si Gacer nang dumating ang dalawang armado at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril siya hanggang sa masawi gamit ang kalibre 9mm na baril.
Dakong alas-9:15 ng umaga naman habang nakikipag-inuman sa kanyang tatlong kaibigan ang biktimang si Refugio nang biglang sumulpot ang tatlong gunmen at walang kaabog-abog na pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
- Latest