^

Probinsiya

TUPAD workers tumanggap ng ayuda sa DOLE

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Pinangunahan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga beneficiaries ng “Tulong Pangkabuba­yan Sa Ating Displaced Workers (TUPAD)” sa bayan ng Bambang sa lalawigang ito kamakalawa.

Ayon kay Bello, tumanggap ng halagang P5,500  na ayuda ang bawat benepisyaryo ng TUPAD katumbas ng 12-araw na trabaho matapos mawalan ang mga ito ng kabuhayan dahil sa epekto ng pandemya na dulaot ng COVID-19.

Maliban sa 580 na mga benepisyaryo sa Bambang, pinangunahan  ni Bello ang pamimigay ng katulad na halaga sa mga benepisyaryo ng TUPAD na natipon-tipon sa Ba­yombong na kapitolyo ng lalawigan. Namahagi rin siya ng 200 na negosyo cart para sa mga mas higit na nangangailangan para makapag-umpisa ng munting negosyo.

Nilinaw naman ni Nueva Vizcaya Cong. Luisa Cuaresma na ang mga tumanggap ng ayuda ay mga residente lamang mula sa Bambang habang ang iba pang mga benepisyaryo sa iba pang mga bayan ay makakatanggap din ng kaparehong ayuda.

Kasama si DOTR Sec. Arthur Tugade ay unang namahagi ang DOLE ng ayuda at negosyong pang-kabuhayan sa libu-libong residente sa Isa­bela at Cagayan.

vuukle comment

TUPAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with