^

Probinsiya

Tabuk City isinailalim sa ECQ

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Tabuk City isinailalim sa ECQ
Sa social media advisory ng pamahalaang panlalawigan; kinati­­gan­ ng Cordillera IATF ang hirit na lockdown sa mga nabanggit na lugar sa loob ng 14-araw na magsisimula sa Lunes. Kasunod ito sa deklarasyon sa Kalinga sa ilalim ng “High Epidemic Risk Level” sa COVID-19 bunsod ng malalang pagkalat ng virus doon.
The STAR/Michael Varcas, file

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dahil sa walang puknat na pagtaas ng kaso ng hawahan sa COVID-19 sa lalawigan ng Kalinga, itinaas ng awtoridad sa mas istriktong pa­nuntunan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang kabisera ng Tabuk City habang sa Modified ECQ ang apat pang munisipyo at sa General Community Quarantine (GCQ) ang dalawa pa kahapon.

Sa social media advisory ng pamahalaang panlalawigan; kinati­­gan­ ng Cordillera IATF ang hirit na lockdown sa mga nabanggit na lugar sa loob ng 14-araw na magsisimula sa Lunes. Kasunod ito sa deklarasyon sa Kalinga sa ilalim ng “High Epidemic Risk Level” sa COVID-19 bunsod ng malalang pagkalat ng virus doon.

Hiniling ng pamu­nuan ng Tabuk City ang pagsasailalim nila sa ECQ batay na rin sa rekomendasyon ng City Health Office noong Huwebes matapos mapuna ang pagpuno ng mga ospital at quarantine facilities sa lungsod ng mga nagdadagsa­ang kaso. Ang Tabuk City ay mayroong 184 aktibong kaso.

Samantala, tinukoy sa advisory ang mga munisipyo ng Rizal, Lubuagan, Tanudan at Balbalan na isinailalim sa MECQ habang ang Tinglayan at Pasil ay nasa ilalim ng mas ma­luwag na GCQ.

Sa pinakahuling tala, ang mga MECQ na bayan na may mga aktibong kaso ng COVID-19 ay sa Rizal, 24; Tanudan, 33; Balbalan, 61 at Lubuagan, 11. Ang mga bayan ng Tingla­yan at Pasil ay kapwa may 19 aktibong kaso.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with