^

Probinsiya

Lider ng leftist group sumuko sa NBI

Artemio Dumlao -
Lider ng leftist group sumuko sa NBI
Ayon sa CPA, si Bolinget ay sinamahan ng kanyang abogado sa personal na paglutang sa NBI para sa kanyang seguridad upang patuna­yang inosente umano siya at hindi bilang pag-amin sa kasong pagpatay na ibinibintang laban sa kanya.
Philstar.com/Google Street View, File

BAGUIO CITY, Philippines — Matapos ang matinding pressure sa “shoot-to-kill” order ng Cordillera Police, napilitang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI)-Cordillera si Windel Bolinget, ang chairperson ng sinasabing leftist Baguio-based indigenous peoples group Cordillera Peoples Alliance­ (CPA). 

Ayon sa CPA, si Bolinget ay sinamahan ng kanyang abogado sa personal na paglutang sa NBI para sa kanyang seguridad upang patuna­yang inosente umano siya at hindi bilang pag-amin sa kasong pagpatay na ibinibintang laban sa kanya.

Ang pagsuko ni Bolinget ay kasunod sa paglabas ni Tagum City Branch 30 Regional Trial Court Judge Sharon Rose Saracin ng arrest warrant laban­ sa nasabing lider ng CPA at 9 pang kasama noong Setyembre, 2020 at walang inirekomendang piyansa sa kanilang pansamantalang kala­yaan. Sila ay akusado sa pagpatay sa isang Garito Tiklonay Malibato noong Marso 22, 2018 sa Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao del Norte. Sina­sabing magkakasama ang mga akusado kabilang si Cordillera People’s Democratic Front (CPDF) spokesman Simon Naigsan Sr. sa nasa­bing krimen.

Kasunod ng warrant, naglabas si Cordillera Police director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan ng “shoot-to-kill” (STK) order sa mga pulis na nagsasagawa ng manhunt operation laban kay Bolinget at mga kasamahan nito.

Nilinaw ni Paglikawan na ang STK order ay kung manlalaban lang si Bolinget kaya nanawagan ang opisyal na matiwasay na sumuko na lamang ang huli.

Ayon kay NBI-Cordillera regional director Hector Geologo, ang masusing negosasyon sa pagitan ng NBI agents at kampo ni Bolinget ang naging instrumento sa matagumpay nitong pagsuko.

Kamakalawa, mariing kinondena ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang inisyung STK order laban sa naturang CPA chairperson.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with