^

Probinsiya

Karahasan pa sa Masbate: Napagkamalang rebel returnee, nilikida

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Karahasan pa sa Masbate: Napagkamalang rebel returnee, nilikida
Napuruhan ng punglo­ sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na­matay ang biktimang si Norberto Capili Buri, binata at residente ng Brgy. Cagay, Masbate City at truck helper ng 3R, 3M Construction Company.

AROROY, Masbate — Nagpapatuloy ang karahasan sa Masbate matapos na isa na na­mang 27-anyos na pa­hinante na napagkamalang rebel returnee ang pinagbabaril ng mga umatakeng kasapi ng New People’s Army sa panulukan ng Brgy. Cabas-an at Brgy. Dayhagan ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng punglo­ sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na­matay ang biktimang si Norberto Capili Buri, binata at residente ng Brgy. Cagay, Masbate City at truck helper ng 3R, 3M Construction Company.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga habang nasa loob ng truck (PRZ-416) ang biktima makaraang utusan siya ng kanyang driver na bantayan ang mga idedeliber na coco lumber nang dumating ang mga rebelde na may hinahabol na mga nakatakas na rebel returnees.

Sa kabila ng pagmamakaawa at paliwanag ng biktima na hindi siya dating rebelde dahil isa lamang siyang pahinante ng binabanta­yang trak ay pinagbabaril agad ng mga rebelde.

Nakuha ng mga rumespondeng pulis sa lugar ang 9 na basyo ng M16 armalite rifle.

Magugunita na unang­ napatay sina Arnel Ra­bosa Retanan, barangay tanod at Victorino Bravo lll, incumbent kagawad­, pawang ng Brgy. Ca­bas-an makaraang pag­­ba­barilin ng nasa 30 armadong NPA na sumalakay sa nasabing barangay at hinostage ang 14 pang residente na pawang mga rebel returnee kasama ang mga nakatakas na sina Brgy. Captain Aniano Capinig, Alden Javier at magkapatid na Vicente at Alfredo Cedillo.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with