^

Probinsiya

Bank manager tigok habang nakikipagtalik sa 24-anyos

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi kinaya ng isang umano’y bank manager ang “sarap” matapos itong atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa kanyang girlfriend sa isang resort sa Compostela, Cebu kama­kalawa.

Batay sa imbesti­gas­yon, na-cardiac arrest ang 59-anyos na banker matapos ang ikalawang round ng kanilang sex ng kan­yang 24-anyos na girlfriend noong Miyer­kules.

Sinabi ni Compostela Police Station Chief Vincent Zozobrado na batay sa salaysay ng kasintahan, bigla na lamang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang biktima habang nasa kalagitnaan sila ng pagtatalik.

Minasahe ng babae ang dibdib ng biktima subalit mas lalo itong nanigas. Dito na humi­ngi ng tulong ang babae sa management ng resort na nagdala sa ospital.

Lumilitaw na tatlong taon na ang relasyon ng dalawa.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with