^

Probinsiya

Mga guro unang isasalang sa COVID-19 vaccination

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

ISABELA , Philippines — Mga guro ang unang isasalang sa napi­pintong mass vaccinations laban sa COVID-19 sakaling mag-umpisa na ang vaccine roll  out sa lalawigang ito.

Ito ang inihayag ni Isabela Governor Rodolfo Albano III sa isang pulong sa mga guro sa bayan ng Tumauini kamakalawa.

“Huwag kayong mag-alala. Ako muna (ang papaturok). Kami muna para huwag kayong matakot. One dose today, and the other dose after 28 days. Kung walang mangyari sa amin after the vaccine, saka kayo susunod. Pero kung may adverse reaction, sasabihin namin kaagad,” paniguro ng gobernador.

“Tulad ng sinasabi ng national government, mauuna ang mga frontliners. Kami naman sa local government unit, uunahin namin kayong mga teachers para dumami ang mga estudyanteng matulungan ninyo,” dagdag ni Albano.

Inaasahang makapagbabakuna ng 50,000 Isabelino ang unang 100,000 doses ng COVID-19 vaccine na inorder ng pamahalaang panlalawigan mula British pharmaceutical firm na AstraZeneca.

Aniya, libre ang dalawang doses ng bakuna at kalahati sa 100,000 ay nakatoka sa mga guro ayon kay Albano.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with