^

Probinsiya

2 dayo inaresto sa pekeng sigarilyo

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN LEONARDO, Nueva Ecija , Philippines — Isang 37-anyos na babae at 51-anyos na lalaki ang inaresto ng pulisya makaraang mabilhan ng pekeng sigarilyo ng poseur-buyer sa inilatag na entrapment operation sa Barangay Diversion ng bayang ito,kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasakoteng suspek na sina Maria Rhea Liza Quiambao at Ramil Santos, kapwa may-asawa at residente ng Barangay Bayan, Orani, Bataan.

Ayon sa San Leonardo Police, alas-2:00 ng hapon ng Miyerkules ay nabilhan ng operatiba ng pulisya ang dalawang suspek ng isang 100 rims o 1,000 pakete ng umano’y pekeng Two Moon cigarettes na nakalagay sa dalawang malalaking karton.

Matapos maiabot ng poseur-buyer ang P9,000 cash sa dalawang suspek ay doon na pumasok ang iba pang operatiba ng pulisya at inaresto ang dalawang suspek.

Walang naipakitang papeles ang dalawang suspek na  nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 8293 o mas kilala bilang Intellectual Property Code of the Philippines.

vuukle comment

PULISYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with