182 pulis, kawani ng Bulacan Police isinalang sa drug test
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Sumailalim sa sorpresang drug test ang 182 na opisyales at kawani ng Bulacan Police Provincial Office (Bul PPO) sa Camp General Alejo Santos kamakalawa ng umaga.
Ang surprise drug test ay inisyatibo ni Bulacan Police Director P/Col Lawrence Cajipe sa pakikipagtulungan ng Bulacan Crime Laboratory Office upang matiyak na wala kahit isa mang unipormadong pulis ang gumagamit ng ipinagbabawal na droga.
Nasa 165 na uniformed at 17 non-uniformed personnel ang sumailaim sa nasabing drug testing.
Sinabi na Cajipe na hindi niya kukunsintihin ang sinumang miyembro ng Bulacan Police na lalabag sa batas lalo na ang paggamit ng ipinagbabawal na droga habang siya ang pinuno ng pulisya sa buong lalawigan ng Bulacan.
- Latest