^

Probinsiya

Trike binangga ng van: 2 pasahero dedo, 1 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Trike binangga ng van: 2 pasahero dedo, 1 sugatan
Ang mga biktima na kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang sina Modesto Lazaga ng Calauag, Quezon at Cezar Elpa ng Buenavista, Quezon.
STAR/File

CALAUAG, Quezon, Philippines — Dalawang pasahero ng isang tricycle ang agad nasawi habang nasugatan ang driver nito makaraang banggain ng kasalubong na van sa highway na sakop ng Barangay Binutas, dito, kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima na kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang sina Modesto Lazaga ng Calauag, Quezon at Cezar Elpa ng Buenavista, Quezon.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa ospital ang trike driver na si Renato Oriendo, 59, na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya, patungo sa direksyon ng Camarines Norte dakong alas-9:00 ng gabi ang tricycle ng mga biktima nang banggain ang side car nito ng Manila bound na Hi-Ace van na minamaneho ni Edwin Barretto, 43, ng Valenzuela City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagkayupi-yupi ang sidecar sanhi upang mamatay agad ang dalawang biktima.

Wala namang tinamong sugat ang driver ng van na ngayon ay nasa kustodya ng pulisya at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

vuukle comment

AKSIDENTE

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with