^

Probinsiya

Binatilyo natusta sa sunog sa pagsagip sa alagang aso

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasawi nang lamunin ng apoy ang isang 16-anyos na binatilyong nagtangkang sagipin ang alagang aso sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Barangay Pob­lacion West, Sta. Maria, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Fire Officer 2 Shiela Joyce Dotimas ng Sta. Maria BFP ang nasawi na si Angelo Jordan Sumabong.

Ayon kay Dotimas, natagpuan ang sunog na bangkay ng binatilyo sa gitna ng natupok na bahay.

Nabatid na nagsi­mula ang apoy dakong alas-11:20 ng gabi.

Ayon sa mga saksi, nakalabas na mula sa nasusunog na bahay ang biktima kasama ng kanyang ina na si Rose Mia Sumabong nang balikan nito ang naiwang alagang aso.

Mabilis kumalat ang apoy sa bahay na gawa lamang sa kahoy na da­hilan upang ma-trap ang biktima na humantong ang pangyayari sa malagim niyang kamatayan.

Inaalam pa ng mga arson investigators ang halaga ng danyos at da­hilan ng pagsiklab ng sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with