^

Probinsiya

2 munisipyo sa Ifugao isinailalim sa lockdown

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 munisipyo sa Ifugao isinailalim sa lockdown
Sa kanyang social media advisory, sinabi ni Banaue Mayor John Raymund Wesley Dulawan na pumayag ang kanyang staff na si Atty. Kendal Immoliap na matukoy upang mapadali ang pagsasagawa ng contact tracing matapos siyang muling magpositibo sa coronavirus.
Google Maps

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isinailalim sa indefinite lockdown ang munisipyo ng Banaue at Aguinaldo sa Ifugao matapos magpositibo sa COVID-19 ang mga kawani nito noong Linggo.

Sa kanyang social media advisory, sinabi ni Banaue Mayor John Raymund Wesley Dulawan na pumayag ang kanyang staff na si Atty. Kendal Immoliap na matukoy upang mapadali ang pagsasagawa ng contact tracing matapos siyang muling magpositibo sa coronavirus.

Sinabi rin ni Dulawan na maging siya ay isinailalim na rin sa RT PCR test bilang direct contact ng abogado. Nakatakda rin aniyang sumailalim sa parehong pagsusuri ang iba pang mga kawani at opisyal ng munisipyo nitong linggo.

Sa bayan ng Aguinaldo, isinara rin ang kanilang munisipyo matapos magpositibo sa virus ang isang kawani na maraming nakaugnayan sa Business One Stop Shop (BOSS) kung saan isinasagawa ang renewal ng mga lisensiya ng negosyo.

Ayon kay Mayor Gaspar Chilagan Jr., ang kawani ay nanggaling mula sa Baguio City noong Enero 8 at isinailalim sa pagsusuri nitong Enero 14 matapos makaranas ng sintomas at lumabas na positibo sa COVID-19 noong Linggo.

Pinayuhan ng dalawang alkalde ang mga nagtungo at makipag-ugnayan sa kani-kanilang munisipyo na mag-self quarantine at obserbahan ang sarili sa anumang sintomas.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with