^

Probinsiya

Guro itinumba ng naka-face mask

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Guro itinumba ng naka-face mask
Ayon kay P/Senior Master Sergeant Marlon Concepcion,nakaupong nagpapahinga umano ang biktima sa veranda ng kanilang bahay, bandang ala-1:30 ng hapon nang siya ay barilin ng isang gunman.
STAR/ File

RIZAL, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang isang public school teacher makaraang barilin ng hindi pa tukoy na salarin na naka-face mask sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion Norte ng bayang ito noong Lunes ng hapon.

Kinilala  ng pulisya ang biktima na si Richard Peñaflor, 31, binata, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay P/Senior Master Sergeant Marlon Concepcion,nakaupong nagpapahinga umano ang biktima sa veranda ng kanilang bahay, bandang ala-1:30 ng hapon nang siya ay barilin ng isang gunman.

Nakita sa CCTV footage na ang salarin ay nakasuot ng maong na pantalon, puting t-shirt, may face mask at bull cap at kaswal lang umanong naglakad palayo sa crime scene.

“Nakarinig lang po ako ng putok kaya pumasok ako sa compound, then nakita ko may lalaking nagmamadaling lumabas. Nang lumapit ako sa terrace, nakita ko ‘yung kapatid ko na nakahiga na sahig,” ayon sa kapatid ng biktima na si Jay.

vuukle comment

RICHARD PEñAFLOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with