^

Probinsiya

Kawani ng DPWH nilikida

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the spot ang isang empleyado ng DPWH-12 matapos pagbabarilin ng ‘di nakilalang riding-in-tandem criminal sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Datu Odin Sinsuat Police chief Major Romel dela Vega ang biktima na si Apinton Ibrahim, ng Kimpo, Brgy. RH-13, Cotabato City.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga habang binabagtas ng biktima ang national highway lulan ng minamaneho nitong Toyota Innova (ZTK 591) nang pagsapit sa Brgy. Datu Pinguiaman ay agad siyang pinaputukan ng maraming beses gamit ang cal. 40mm, base sa narekober sa crime scene.

Samantala, isang AUV din ang aksidenteng tinamaan ng ligaw na bala sa headlight ng sasakyan na noon ay kasalubong lamang ng biktima pero masuwerteng walang tinamaan sa mga sakay nito.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with