^

Probinsiya

23 hog raisers na apektado ng ASF, inayudahan ng DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
23 hog raisers na apektado ng ASF, inayudahan ng DA
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar , may 15 ASF-affected raisers ng Bario-an, Tagudin, Ilocos Sur ang tumanggap ng kabuuang P335,000 indemnification fund habang walong swine raisers mula sa La Union ang tumanggap ng kabuuang P765,000.00.
BusinessWorld/File

MANILA, Philippines — Tumanggap ng indemnification cash assistance mula sa Department of Agriculture (DA) ang may 23 swine raisers ng La Union at Ilocos Sur na naapektuhan ang mga alagang baboy ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar , may 15 ASF-affected raisers ng Bario-an, Tagudin, Ilocos Sur ang tumanggap ng kabuuang  P335,000 indemnification fund habang walong swine raisers mula sa La Union ang tumanggap ng kabuuang  P765,000.00.

Si Ms. Maurentina Pamintuan, isa sa naapekthang swine raiser ang tumanggap ng pinakamataas na indemnification na may halagang P90, 000 dahil sa kanyang 18 baboy na pinatay na infected ng ASF.

Sa tala ng DA-ASF-related cases sa Ilocos Region, mayroong 36,530 kabuuang baboy ang pinatay dahil sa ASF sa tatlong lalawigan na may 5,279 hog raisers ang naapektuhan.

Sa tatlong probinsya, nakakuha ang Pangasinan ng pinakamataas na share ng indemnity fund na nasa P98.805 milyon para sa 2,672 raisers mula sa 36 na bayang tinamaan ng ASF.

Sa La Union, may kabuuang 9,160 baboy ang pinatay sa isinagawang culling operations ng DA na may halagang P45.8 million kung saan 1,379 raisers ang naapektuhan mula sa 13 bayan at isang lunsod sa lalawigan.

vuukle comment

ASF

HOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with