^

Probinsiya

Homeless kinatay ng kainuman

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang isang pa­laboy na lalaki maka­raang pagsasaksakin ng kainuman nitong na­nga­ngalakal ng bote at bakal nang magtalo sa gilid ng isang basketball court sa Del Pilar Street, Barangay Sa­ngitan West ng lungsod na ito noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang napatay na biktima ay kinilala lamang sa alyas “Noel”, 30-35 taong gulang.

Samantala, pinag­ha­­hanap na ng mga pulis ang suspek na si Jayson Pabre alyas “Jay”, 38, binata, isang manga­ngalakal ng bakal-bote at nakatira sa Sa­renas Street, Barangay Bitas, dito.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi habang umiinom ng alak ang suspek at bik­tima sa nasabing lugar ay may nakarinig na nagtatalo ang dalawa hanggang sa tadtarin ng saksak ng suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay. Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente. 

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with