^

Probinsiya

Cabugao, Ilocos Sur isinailalim sa MECQ

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Cabugao, Ilocos Sur isinailalim sa MECQ
Ayon sa Provincial Health Office, nagtala sila ng 15 bagong kaso ng COVID 19 sa natu­rang bayan na mayroon nang kabuuang 25 na kaso.
The STAR/Michael Varcas, file

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isi­nailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson ang bayan ng Cabugao ma­tapos makapagtala ng biglang pagtaas ng kaso ng hawaan ng COVID-19 doon kahapon.

Ayon sa Provincial Health Office, nagtala sila ng 15 bagong kaso ng COVID 19 sa natu­rang bayan na mayroon nang kabuuang 25 na kaso.

Bukod sa mga kumpirmadong kaso, 103 suspected COVID cases pa ang sinusubayba­yan ng awtoridad sa 25 na barangay.

Ang MECQ ay nagsimulang ipatupad no­ong Huwebes matapos lagdaan ni Singson ang Executive Order number 1.

Ang Cabugao ang ika­lawang bayan sa Ilocos sur na isinailalim ni Singson sa MECQ mula nang ipinatupad ito sa Tagudin noong Disyembre.

Sa ilalim ng MECQ, pinahaba ang curfew sa nasabing bayan mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

vuukle comment

COVID-19

QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with