3 rebeldeng NPA sumuko sa gobyerno
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Tatlong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga miyermbro ng San Jose City Police noong Miyerkules ng hapon.
Kinilala ni Police Col. Marvin Joe Saro, Nueva Ecija Police provincial director, ang tatlong sumukong rebelde sa mga alyas na “Ka Butch”, 48-anyos, may-asawa, farm caretaker; “Ka Waldo”, 51, may-asawa, karpintero; at “Ka Eugene”, 56, may-asawa, barangay tanod, pawang mga residente ng Barangay Balbalungao, Lupao, NE.
Nabatid na sumuko ang tatlo dahil na rin umano sa walang patutunguhan ang kanilang ipinaglalaban at nataon pa umano na may pandemya na dala ng COVID-19.
Ang tatlo ay pawang naging mga miyembro umano ng Pulang Mandirigma sa ilalim ng Josefhino Corpuz command. Si “Ka Butch” ay naging miyembro mula noong 1996 hanggang 2002; si “Ka Waldo” ay 1993-1995; at si “Ka Eugene”, mula 2003 hanggang 2004.
Nasa kustodiya ngayon ng 2nd Police Mobile Force Company ng NEPPO ang tatlong sumuko ‘for safekeeping and documentation’.
Nakatakda silang iendorso sa government’s assistance program for returnees o ang tinatawag na Enhanced Compresensive Local Integration Program.
- Latest