DPWH naglaan ng P900 milyon para sa rehabilitasyon ng Manila-North road
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naglaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P900 milyon upang mapabuti ang kalidad ng kalsada sa kahabaan ng Manila North Road-dating Mac Arthur Highway mula sa bayan ng Bocaue hanggang sa Calumpit.
Kinumpirma ito ni DPWH First Bulacan District Engineer Henry Alcantara kung saan karamihan sa mga sira-sira na kalsada ay dulot ng pagdaan ng mga naglalakihan at overloaded na truck.
Itataas naman ang low-lying areas at lalagyan ang magkabilang gilid ng mga drainage at gagamitin dito ang cement treated base technology.
- Latest