^

Probinsiya

Amok sa bisperas ng kasal: 2 utas, 1 kritikal

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Amok sa bisperas ng kasal: 2 utas, 1 kritikal
Kinilala ang nasawing bisita na si Allan Cerillo Casimero, binata, at residente ng nasabing barangay habang napatay ng mga rumespondeng pulis ang nagwalang suspek na si Gaudencio Olicia Bracino, 40, ng Brgy. San Ramon, Oas at may standing warrant of arrest sa mga kasong murder sa Oas at sa Mandaluyong.
STAR/ File

POLANGUI, Albay, Philippines — Dalawa katao ang patay habang isa ang kritikal matapos na mag-amok at walang habas na manaksak ang isang wanted person na kinantyawan ng mga kaibigan na walang naiambag na pera saka inutusang bumili ng alak para sa kanilang laklakan sa kasagagan ng kanilang kasiyahan sa bisperas ng kasal ng isang mag-nobyo sa Zone-3, Brgy. Matacon, dito kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing bisita na si Allan Cerillo Casimero, binata, at residente ng nasabing barangay habang napatay ng mga rumespondeng pulis ang nagwalang suspek na si Gaudencio Olicia Bracino, 40, ng Brgy. San Ramon, Oas at may standing warrant of arrest sa mga kasong murder sa Oas at sa Mandaluyong.

Nasa malubhang kalagayan naman sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sa Ligao City ang isa pang bisita sa okasyon na si Armando Pandaan San Juan, 42, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat, pasado alas-12:05 ng madaling araw habang nag-iinuman ang mga biktima sa selebrasyon ng bisperas ng kasal sa bahay ng isang nagngangalang Arnel Rico Salando nang dumating ang suspek na si Bracino at nakisalo sa inuman. Gayunman, nang maubos ang alak ay nagkasundo ang magkakaibigang magkakaroon ng kontribusyon para makabili ng alak pero walang ibinigay ang suspek kaya siya na lang ang inutusang bumili sa tindahan at kinantwayan.

Dahil dito, napikon ang suspek kaya nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo sa mga kasamahang manginginom dahilan para bumunot ng icepick ang una at sinaksak si Cerillo na agad namatay.

Nagtangkang umawat si San Juan pero dalawang beses din siyang sinaksak sa katawan ng suspek.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis at hinabol ang tumakas na suspek pero nang makorner sa bulubunduking lugar ng Brgy. Santicon ay pinutukan nito ng baril ang mga operatiba sanhi ng shootout na kanyang ikinasawi.

Narekober sa napaslang ang kalibre 38 na baril at icepick na ginamit nito sa pananaksak sa mga biktima.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with