^

Probinsiya

SUV hulog sa bangin: 1 patay, 3 grabe

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
SUV hulog sa bangin: 1 patay, 3 grabe
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jaquelin Mayos, 31, habang inoobserbahan sa hindi natukoy na ospital sina Joe Mayos na pinaniniwalaang kabiyak ng nasawi, Leticia Avelino at drayber na si Johnlo Gayudan; pawang mga residente ng Lam-ayan, Buguias, Benguet.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isa ang nasawi habang tatlo pa ang kritikal nang mahulog ang isang SUV sa may 160 metrong bangin sa bulubunduking highway ng KM 57 Cattubo, Atok, Benguet kahapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jaquelin Mayos, 31, habang inoobserbahan sa hindi natukoy na ospital sina Joe Mayos na pinaniniwalaang kabiyak ng nasawi, Leticia Avelino at drayber na si Johnlo Gayudan; pawang mga residente ng Lam-ayan, Buguias, Benguet.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nag-overtake sa kurbadang bahagi ng matarik na daan ang drayber ng sinakyang Toyota Fortu­ner ng mga biktima nang mawalan ito ng kontrol at mahulog sa bangin dakong alas-7:00 ng umaga.

Naging pahirapan sa mga emergency res­ponders ang pag-ahon sa mga biktima habang wasak ang SUV dahil sa lalim ng lugar na kinabagsakan.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with