^

Probinsiya

50 PMA cadets nahawaan ng COVID-19 ng food handlers –AFP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
50 PMA cadets nahawaan ng COVID-19 ng food handlers �AFP
Ipinapakita sa larawan ang Philippine Military Academy sa Baguio City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang mga labas-pasok na food handlers sa Philippine Military Academy (PMA) ang nakapanghawa ng COVID-19 sa may 50 kadete sa loob ng akademya.

Ayon kay AFP spokesman Major Gen. Edgard Arevalo, posibleng ­isalilalim sa lockdown ang PMA kung tataas pa ang bilang ng mga magpopositibo sa virus.

Sa pagsusuri aniya ng PMA, ang mga food handlers ang nakapagdala ng virus at naka-break ng COVID-19 bubble.

Bagama’t mga asymptomatic ang mga nahawa sa COVID-19, naka-isolate na rin sila upang maiwasang makapanghawa pa ng mga kapwa kadete at military personnel sa loob ng PMA.

Binigyan diin din ni Arevalo na walang dapat na ikabahala ang mga magulang ng mga kadete dahil ginagawa ng akademya ang lahat ng stringent measures at health protocol tulad ng detection, isolation, treatment bago i-reintegrate sila ulit sa cadet corps bago payagang makisalamuha.

Ani Arevalo, isolation ang ginawa ni PMA Superintendent Gen. Ferdinand Cartojano bago ang pandemic kung saan binawal ang mga pagtitipon sa loob ng akademya.

vuukle comment

AFP

COVID-19

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with