^

Probinsiya

Tatay huli sa pangri-rape sa 10-anyos na anak

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan , Philippines — Malamig na rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang manyakis na ama matapos na makailang beses nitong pinagsamantalahan ang 10-anyos niyang anak sa Brgy. Graceville ng siyudad na ito.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director ang suspek na si Charlie Rosales, 46-anyos, may asawa ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:00 ng hapon ka­makalawa nang huling pagsamantalahan ng suspek ang anak na babae.

Hindi na natiis ng paslit ang kahayupang ginagawa sa kanya ng tatay kung kaya nagsumbong na sa kanyang kuya na agad namang naghain ng reklamo sa kanilang barangay.

Mabilis na umaksyon ang mga opisyal ng barangay kung kaya naaresto ang suspek habang nagpapahinga sa kanilang bahay.

Ayon sa biktima, walong taon pa lamang siya nang simulan siyang abusuhin at gahasain ng sariling ama sa tuwing mag-isa siyang naiiwan sa kanilang bahay. Pinagbantaan din umano siyang papatayin ng kanyang ama sa oras na magsumbong sa kanyang ina at kapatid.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 8353 (incestuous rape) at nakakulong na sa San Jose Del Monte City jail.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with