^

Probinsiya

Nakaparadang trak sinuwag ng motor: 1 dedo, 1 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang angkas na lalaki habang kritikal ang nagmamaneho ng kanilang sinasakyang motorsiklo matapos silang sumalpok sa nakaparadang truck sa gilid ng kalsada habang bu­mabagtas sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Samaka Site, Brgy. Gavino Maderan, bayan ng GMA.

Ang nasawi ay kinilalang si Richard Querioso, nasa hustong gulang, ng Block 6 lot 3, Brgy. Lumb­reras, GMA, Cavite habang kritikal ang kasama nitong Onesimo Timcang ng Phase 5 Narra 1, Bulihan, Silang, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Mater Sgt. Jonarey Visca, dakong alas-12:30 ng madaling araw habang magkaangkas sa Kawasaki Barako motorcycle (plate#3143 VP) ang mga biktima at bumabagtas sa nasabing lugar nang kanilang sakupin ang kabilang lane ng kalsada.

May kabilisan din umano ang takbo ng motorsiklo kung kaya hindi na nakapagpreno si Timcang at tuluy-tuloy na sumalpok sa nakaparadang UD Truck/tractor (NCE 1282).

Kapwa tumilapon ang mga biktima na agarang ikinasawi ng nabanggit na backrider habang inoobserbahan ang lagay ng kasama.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with