^

Probinsiya

Parak nadale ng ‘basag-kotse’, baril at P95K cash natangay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Isang naka-off duty na pulis ang nawalan ng halos P100,000 cash at kanyang personal na baril matapos na mabiktima ng hinihinalang “basag-Kote Gang” sa Barangay Bitas ng lungsod nitong New year’s Day.

Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito ang biktima na si P/SMS Christian Hernandez, 41, ng Mulawin St., Barangay Bitas, na naka-assign sa Sto. Domingo Police Station. Natangay sa biktimang pulis ang P95,000 cash nito na nakalagay sa isang sling bag at isang Glock .9mm pistol.

Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 ng hapon nitong Biyernes habang naka-park sa kahabaan ng Maharlika Highway sa harap ng bahay ng biktima ang kanyang sasakyan na Subaru Forester, may plakang NAP-5489, nang putaktiin ng hindi pa batid na bilang ng mga suspek.

Nabatid na binasag ng mga kawatan ang likurang bintana sa kanang bahagi ng sasakyan sa kabila na tirik pa ang sikat ng araw at mara­ming sasakyan at taong dumaraan saka nilimas ang laman nito. 

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with