^

Probinsiya

2 Chinese kidnaper timbog, Taiwanese nasagip sa raid

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese kidnaper timbog, Taiwanese nasagip sa raid
Nilalapatan na ng lunas sa isang ospital ang biktimang si Chen Yen Shau, habang ang mga dinakip ay nakilalang sina Lu Cheng at Xie Long Hui, pawang mga nasa hustong gulang.

CAVITE, Philippines — Arestado ang dalawang Chinese habang matagumpay na na-rescue ng mga awtoridad ang dinukot na Taiwanese national na nadatnang tadtad ng pasa at sugat sa katawan sa ginawang pagsalakay sa kanilang hideout sa Imus City, dito kamakalawa ng gabi o bisperas ng Bagong Taon.

Nilalapatan na ng lunas sa isang ospital ang biktimang si Chen Yen Shau, habang ang mga dinakip ay nakilalang sina Lu Cheng at Xie Long Hui, pawang mga nasa hustong gulang.

Sa ulat mula kay Cavite Provincial Police director P/Col Marlon Santos, isang malawakang rescue operation ang ikinasa ng pinagsanib na pu­wersa ng PNP Anti-Kidnapping Group-Luzon Field Unit (AKG-LFU) at Cavite Police matapos na humingi ng tulong sa kanila ang isang Jerry Wang na kinatawan ng TECO/Taiwan Embassy hinggil sa pagkakadukot sa biktima.

Ayon sa pamahalaang Taiwan, Disyembre 29, 2020 dakong ala-1 ng hapon nang dukutin ng grupo ng Chinese nationals ang biktima sa Parañaque City at hinihingian ng mga suspek ng P9-milyong ransom ang ina ng biktima kapalit ng kanyang kalayaan sa pamamagitan ng komunikasyon sa Facebook.

Nabatid na unang itinago ng mga suspek ang biktima sa Pearl Marina Tower, Pacific Ave, Parañaque City, subalit agad nilang inilipat matapos na malamang nagsumbong ang ina ng kanilang bihag sa mga awtoridad sanhi upang mabigo ang pulisya sa unang rescue operation.

Sa galit ng mga suspek, binugbog nila ang biktima dahil sa gina­wang pagsusumbong ng ina nito sa pulisya.

Sa ikinasang joint rescue operation sa pangunguna ni Col. Villamor Bannawagan ng AKG-LFU, alas-7:20 ng gabi ng Disyembre 31 nang kanilang matunton at lusubin ang hideout ng mga suspek sa Villa Emmanuelle Townhomes, Brgy. Tucson 2B, Imus City.

Naabutan ng grupo ang dalawang suspek na nagpapahinga sa loob ng isang bahay na ginawang hideout habang ang biktima ay nakakulong sa loob ng comfort room.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with