^

Probinsiya

Bata namulot ng paputok, wasak ang kamay

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bata namulot ng paputok, wasak ang kamay
Ang batang biktima ay agad dinala sa emergency room ng Bulacan Medical Center makaraang maputukan ng malakas na uri ng paputok sa Brgy, Banga 2nd Plaridel, Bulacan.
STAR/File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Sa kabila ng kaliwa’t kanan na paalala ng mga otoridad sa pag-iwas sa paggamit ng malakas na uri ng paputok, may mga nakalulusot pa rin matapos na isang 10-taong gulang na batang babae ang nawasak ang kamay sa pagsalubong ng Bagong Taon sa bayan ng Paridel.

Ang batang biktima ay agad dinala sa emergency room ng Bulacan Medical Center makaraang maputukan ng malakas na uri ng paputok sa Brgy, Banga 2nd Plaridel, Bulacan.

Sa ulat, ala-1:00 ng hapon habang masa­yang nanonood ng kasiyahan ang magpinsan nang bigla na lamang silang makarinig ng malakas na pagsabog ng paputok at dito na nila nakita ang wasak na palad ng bata.

Samantala, hindi naman maidilat ni Michael Pascua, 29, ang kanyang kanang bahagi ng mata ng Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan matapos itong tamaan ng pagputok ng ligaw na kwitis ganap na alas-11:00 ng gabi. Aniya, nabigla na lamang siya nang sumabog sa kanyang harapan ang ligaw na kwitis.

vuukle comment

FIREWORKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with