^

Probinsiya

3 pa sugatan sa kwitis

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Iniulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) na tatlong firecracker-related incident ang inisyal nilang naitala sa pagsalubong ng mga Novo Ecijano sa taong 2021, kabilang ang dalawang menor-de-edad.

Ayon kay P/Col. Marvin Joe Saro, Police Provincial Office director dito, tatlo ang biktima ng kwitis sa lalawigan na kinilalang sina Jay-Ar Anastacio, 28, binata ng Brgy. Villa Marina, San Jose City; isang, 8-anyos na Grade 2 pupil ng Brgy. Palomaria, Bongabon; at 10-anyos na Grade 3 ng Pabalan Subdivision, Brgy. Abar 1st, San Jose City.

Sa San Jose City Police, alas-8:20 ng gabi ng Huwebes, marami na umanong nalipad na kwitis ang binatang si Anastacio nang bigla na lamang pumutok sa kanyang kanang kamay ang isang kwitis. Agad siyang isinugod sa San Jose City General Hospital at nagtamo ng first degree burn. Pinauwi din siya kalaunan.

Sa Bongabon, alas-8:50 ng gabi ng Huwebes ay nanonood lang sa mga nagpapaputok sa loob ng kanilang bahay ang 8-an­yos nang bigla umanong lumabas at pinulot ang isang hindi pumutok na kwitis saka inilagay sa isang bote ng softdrink. Sa puntong kasisindi lang nito ang kwitis ay kagyat itong pumutok.

Sugatan ang bata sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at agad dinala sa Bongabon District Hospital.

Sa report pa ng San Jose City Police, alas-12:10 ng madaling-araw ng Enero 1, ang 10-anyos na totoy ay tinatawag sa loob ng kanilang bahay para sa salu-salo nang big­la itong nagsindi ng ilang piraso ng kwitis sa harap ng kanilang bahay. Dalawa umano sa sinindihan nito ay walang naging problema pero ang ikatlong kwitis na kanyang sinindihan ay bigla na lamang tumalbog sa isang puno at pumutok sabay dapo sa kanyang kanang binti. Isinugod siya sa Ospital ng San Jose bunsod ng minor wounds pero agad ring pinalabas ng pagamutan. 

vuukle comment

FIREWORKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with