^

Probinsiya

Maguindanao encounter: 7 terorista patay sa MILF

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Maguindanao encounter: 7 terorista patay sa MILF
Ang mga nasawing ekstremista ay kabilang sa 30 na armadong balak sanang umatake sa detachment ng 33rd Infantry Battalion sa nabanggit na barangay.
STAR/ File

Pananabotahe sa pagsalubong ng 2021, nasilat

NORTH COTABATO, Philippines — Pitong miyembro ng Dawlah Islamiya (DI) terrorist group na tangkang manabotahe sa pagsalubong ng bagong taon ang patay matapos makipagbakbakan sa mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Tuka, Mamasapano, lalawigan ng Maguinda­nao, kamakalawa.

Ang mga nasawing ekstremista ay kabilang sa 30 na armadong balak sanang umatake sa detachment ng 33rd Infantry Battalion sa nabanggit na barangay.

Patuloy namang ­inaalam ang pagkaka­kilanlan ng mga napaslang na terorista.

Sa ulat na nakarating kay Major Gen. Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at Joint Task Force Central, pinamunuan umano ni MILF Samad Simpal ang pagharang sa mga grupo ng Dawlah Islamiya sa hangganan ng Shariff Aguak at Shariff Saidona Mustapha dahilan ng engkuwentro sa dalawang pangkat na ikinasawi ng pitong DI terrorists.

Dahil dito, napigilan ang tangka sanang pananabotahe ng nasabing teroristang grupo at mga kapanalig na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nitong pagsalubong ng bagong taon.

Sinabi ni Heneral Uy na ang pitong nasawi ay mga tagasunod ni Kumander Motorola, sa ilalim ng grupo ni Iman Karialan, isa sa mga lider ng tatlong factions ng Dawlah Islamiya.

Si Karialan ay idinadawit sa mga pambobomba sa Central Mindanao sa mga nakalipas na apat na taon.

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with