^

Probinsiya

Mag-inang amasona sumuko

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mag-inang amasona sumuko
Kinilala ang mga sumuko na sina Nena Letada, 57-anyos at anak na si Noralyn, alyas “Ka Je-ann”, 24-anyos, dalaga at pawang kasapi ng Platoon 2, Larangan 1,Komite ng Partido 4 ng New People’s Army sa ilalim nang pamumuno ni Eleazar Ontog alyas “Ka Randy” na may malawak na operasyon sa Masbate.
STAR/ File

CAMP GEN. ­SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines —  Humabol sa masayang pagdiriwang ng bagong taon kasama ang pamilya ang isang mag-inang kadre matapos silang sumuko sa mga pulis sa Brgy. McArthur sa Monreal, Masbate kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga sumuko na sina Nena Letada, 57-anyos at anak na si Noralyn, alyas “Ka Je-ann”, 24-anyos, dalaga at pawang kasapi ng Platoon 2, Larangan 1,Komite ng Partido 4 ng New People’s Army sa ilalim nang pamumuno ni Eleazar Ontog alyas “Ka Randy” na may malawak na operasyon sa Masbate.

Ayon kay Police Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, sumuko ang mag-­inang amasona makaraan ang ilang negosasyon ng mga kasapi ng Masbate Police Provincial Office at 96th Military Intelligence Company kaugnay ng pinalawak na anti-cri­minality at insurgency ­operations.

Naging madali umano ang pagsuko ng mag-ina makaraang ipaliwanag sa kanila ang programang pangkapayapaan ng gobyerno sa ilalim ng Executive Order number 70 (EO70).

Pinuri naman ni PRO5 regional director Brig. Gen. Bartolome Bustamante ang mga tauhan sa mapayapa at matagumpay na pagsuko ng mga amasona at sinigurong matatanggap ng mag-ina ang mga benepisyo kaugnay ng kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

vuukle comment

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with