^

Probinsiya

Kahon ng paputok inabandona sa palengke, nagdulot ng takot

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines — Natakot ang mga mamimili sa pamilihang bayan matapos na isang kahon ng paputok ang inabandona na unang inakalang bomba sa may Paco Roman St., Barangay City Supermarket, noong Miyerkules ng hapon.

Nabatid na nagkaroon ng bahagyang tensyon sa lugar nang matagpuan ang nasabing inabandonang kahon na agad namang ipinagbigay alam sa mga rumorondang pulis na noo’y nagsasagawa ng inspeksyon sa bentahan ng paputok sa lugar.

Ayon kay P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito, nasawata ang pangamba at takot ng mga mamimili nang buksan ang nasabing kahon na ang laman pala ay mga paputok na hindi ipinagbabawal na ibenta.

Ang mga paputok na nasa loob ng kahon ay kinabibilangan ng 18-piraso ng big fountain, 10-piraso ng small fountain at 3,180-piraso ng iba’t-ibang lucis.

Bandang alas-4:45 ng hapon nang magsagawa ng sorpresang inspeksyon ang pulisya upang malaman kung may nagbebenta ng ilegal na paputok sa lugar at kung sumusunod ang mga seller na sa de­signated place lang dapat magbenta. Wala umano sa designated place ang natagpuang kahon ng mga paputok kaya umano iniwan ng hindi pa tukoy na seller nito.

vuukle comment

PANGAMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with