^

Probinsiya

Sulu isasailalim sa lockdown, borders bantay-sarado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sulu isasailalim sa lockdown, borders bantay-sarado
Ito ay kasunod sa anunsyo kahapon ni Sulu Governor Abdu­sakur Tan na sasarhan nila ang kanilang mga borders o hangganan sa karagatan mula Enero­ 4-17, 2021 upang pigilan ang pag­pasok ng bagong coronavirus variant sa lalawigan.
Philstar.com/File

Para ‘di malusutan ng bagong COVID-19 variant mula Sabah

MANILA, Philippines — Inalerto na ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. ang tropa ng militar upang magbantay sa hangganan ng karaga­tan laban sa mga pupuslit na indibiduwal lokal man at dayuhan kaugnay sa ipatutupad na lockdown sa Sulu dahil sa banta ng panibagong variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom na nakarating na sa Malaysia.

Ito ay kasunod sa anunsyo kahapon ni Sulu Governor Abdu­sakur Tan na sasarhan nila ang kanilang mga borders o hangganan sa karagatan mula Enero­ 4-17, 2021 upang pigilan ang pag­pasok ng bagong coronavirus variant sa lalawigan.

Ang hakbang ay matapos maalarma ang pamahalaan sa report na ang bagong variant ng COVID-19 sa UK ay nakarating na sa Malaysia kaya nais ng lokal na pamahalaan ng Sulu na mapigilang kumalat ito sa lalawigan at iba pang bahagi ng bansa.

“The command supports the decision of the provincial government of Sulu and we already deployed additional troops to secure the border and to disallow­ entry of passenger vessels from Sabah,” ani Vinluan.

“Movement of all types of goods and basic commodities by land, air or sea will be unhampered. Officers and crews of cargo vessels shall observe precautionary measures set by the Sulu Task Force on COVID-19,” dagdag nito.

Inatasan din ang AFP, PNP at Philippine Coast Guard at iba pang ahensya ng gobyerno na bantayan at tiyakin na walang makakalusot sa back door entry na mga Jungkungs (bangka) at iba pang mga sasak­yang pandagat papasok ng teritoryo ng Sulu.

Ang mga barko naman ng Naval Forces Western Mindanao ang magsasagawa ng pa­t­rolya sa maritime bor­ders ng Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga Peninsula upang mapigilan ang pagpasok ng mga indibiduwal na may dalang virus.

Ang Sulu ay mana­natiling nasa modified­ general community qua­rantine (MGCQ) hanggang sa Enero 31, 2021.

vuukle comment

LOCKDOWN

SULU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with