3 ‘tulak’ huli sa P5.4 milyong shabu buy-bust
Angeles City, Philippines — Sa kulungan magdiriwang ng bagong taon ang tatlo katao kabilang ang isang itinuturing na high value individual (HVI) matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Ninoy Aquino noong Sabado ng gabi.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Angeles City Drug Enforcement Unit Commander P/Capt. Alfred Andal, kinilala ang mga suspek na sina Noraden Ariray alias “Conan”, 18, tubong Maranao at pansamantalang naninirahan sa F. Manalo St., Brgy. Lourdes North West; Roberto Carbunco, 51, at Anthony Bonifacio, 41, tubong Bambang, Tarlac na kalalaya pa lamang mula sa 10 taong pagkakabilango dahil din sa kaso ng droga.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa humigit kumulang sa 800 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P5,440,000 at buy-bust money.
- Latest