^

Probinsiya

Magsasaka kinutya na walang lupa, magpinsan inutas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN NARCISO, ­Quezon, Philippines — Patay agad ang magpinsang magsasaka makaraang paulanan ng bala ng kapwa magsasaka na kinutyang walang sariling lupa sa Sitio Ilaya, Brgy.  Bani, dito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na pawang nagtamo ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan na sina Luis Aborte, 45 at Eduardo Aborde, 34.

Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na nahaharap sa kasong double murder na si Marlon Agad, 40, may asawa ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon, alas-7:30 ng gabi ay nag-iinuman ang suspek at si Luis na nauwi sa mainitang pagtatalo. Kinutya umano ni Luis na walang sariling lupa ang suspek kaya sa pagkapikon ng huli ay bumunot ng baril at makailang beses na pinaputukan ang una. Tinangka namang umawat ni Eduardo subalit tinamaan din sa ulo ng ligaw na bala na ikinamatay din nito.

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with