^

Probinsiya

7 terorista utas sa air strike at ground assault

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
7 terorista utas sa air strike at ground assault
Nagtayo na ng bandila ng Pilipinas sa lugar na pinagkukutaan ng NPA matapos itong makubkob ng militar sa isinagawang air strike at ground assault operations sanhi ng pagkakasamsam ng mga armas, kagamitan at subersibong dokumento ng naturang grupo sa Sultan Kudarat.
AFP

Kasabay ng anibersaryo ng CPP-NPA

MANILA, Philippines — Pitong pinaghihina­laang miyembro ng te­roristang New People’s Army (NPA) ang napas­lang matapos na mag­lunsad ng serye ng air strike at ground assault operation ang tropa ng pamahalaan sa kanilang pinagkukutaan sa kabundukan sa hangganan ng bayan ng Pa­limbang at Senador Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Ayon kay Col. Anhouvic Atilano, spokesman ng 6th Infantry Division ng Philippine Army (PA), inilunsad ang operasyon ng kanilang tropa upang palabasin sa kanilang lungga ang tinatayang nasa 100 NPA rebels na magsasagawa ng selebrasyon para sa ika-52 taong anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA kahapon.

“The NPA members were supposed to hold a regional plenum for the CPP-NPA in the area,” ayon kay Atilano.

Sinabi naman ni Major Gen. Juvymax Uy, commander ng JTF Central at PA-6th Infantry Division (ID), pinangunahan ng 603rd IB ang air strike operations matapos na makatanggap ng intelligence report sa residente sa lugar ang presensya ng nagdada­tingang malaking pu­wersa ng mga rebeldeng NPA sa bulubunduking bahagi ng Mt. Lumuton in Palimbang. Ang nasabing liblib na lugar ay tatlong araw bago mara­ting kung ito ay lalakarin.

Sinabi ni Uy na gu­mamit ng GPS guided smart bomb na ibinagsak sa kuta ng mga rebelde ng FA 50 fighter jet ng Philippine Air Force (PAF) sa Daguma Mountain Range ng Sultan Kudarat.

“Gamit ang ating air assets at joint-combined arms operations, mabilis nating naitaboy ang tangkang pagtipon-tipon sana ng mga rebelde at itinayo natin ang bandila ng Pilipinas dito sa nakubkob natin na kuta ng NPA,” pahayag ni Uy. Sa isinagawang clearing operations sa lugar, narekober ng militar ang tatlong bangkay ng mga rebelde kabilang ang dalawang amasona habang ang iba pa sa mga labi ay tinangay ng mga nagsitakas na kasamahan.

Nasamsam din ang mga high powered firearms, IEDs (Anti-Personnel Landmines), laptops, 2 generator set, mga subersibong dokumento at iba pang war materials.

vuukle comment

CPP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with