^

Probinsiya

4 frontliners pinarangalan sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dahil sa hindi matatawarang sakri­pisyo apat na kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pinarangalan ng “Programs on Awards and Incentives for Service Excellence” sa ginanap na “Gawad Pagpapaha­laga sa Matapat na Pag­lilingkod 2020” sa Bulacan Capitol Gymnasium ng lungsod.

Iginawad kina Aquilina Cruz ng Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital, Engr. Ferdinand Morales at Dr. Samantha Karla Inoncillo ng Bulacan Medical Center (BMC), at Rosemarie Guirre ng Bulacan Polytechnic College ang parangal na “Gawad Dakilang Frontliner” at tumanggap ng tig-P20,000 cash at tropeyo.

Tumanggap din ng pagkilala sina Dr. Cherryl Manoos ng Plaridel Infirmary at Dr. Cynthia Basco ng Baliuag District Hospital ng “Recuerdo ng Paglilingkod” bilang mga finalists.

Saludo naman si Gob. Daniel Fernando sa mga awardees, fina­lists, at lahat ng emple­yado para sa kanilang patuloy na paglilingkod sa mga Bulakenyo sa kabila ng panganib ng COVID-19.

Bilang sorpresa, gi­­na­waran din nina PRAISE Chairperson Atty. Gab­riel Silvera at Secretariat Cynthia Abiol ang gobernador ng “Recuerdo ng Pagkilala” para sa kanyang walang kapagurang pag­lilingkod kahit siya mismo ay kinapitan ng virus.

Nasa 125 kawani ang tumanggap ng “Gawad Pagpapahalaga sa Matapat na Pagli­lingkod” bilang pagkilala sa kanilang mahabang panahon na serbisyo. Nasa 51 retirado rin ang ginawaran ng Service Award habang 11 ang binigyan ng Posthumous Award na tinanggap ng kanilang mga pamilya.

vuukle comment

FRONTLINERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with