^

Probinsiya

8 na patay sa bagyong Vicky, 1 pa missing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
8 na patay sa bagyong Vicky, 1 pa missing
Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, bukod sa walong nasawi ay nakapagtala rin sila ng dalawang sugatan at isa ang nawawala.

MANILA, Philippines — Umaabot na sa walong katao ang patay sa pananalasa ng bagyong Vicky na nagdulot ng mga pagbaha sa ilang mga apektadong lugar katimugang bahagi ng bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, bukod sa walong nasawi ay nakapagtala rin sila ng dalawang sugatan at isa ang nawawala.

Sa nasabing bilang, dalawa ang nasawi mula sa Eastern Visayas, isa sa Davao Region at lima sa CARAGA samantalang dalawa ang nasugatan sa Eastern Visayas at isa sa CARAGA Region ang nawawala.

Aniya, lubhang naapektuhan ang Surigao del Sur, Surigao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental at Agusan del Sur sa pananalasa ng bagyo.

 Nakapagtala rin ng mga pagbaha at landslide sa CARAGA Region habang tinatayang P105 milyon ang iniwang pinsala ng bagyo sa mga imprastruktura sa CARAGA Region.

Nasa 36,000 na indibiduwal o 9,000 pamilya ang naapektuhan ni Vicky na nagdulot ng pagkawala ng supply ng kuryente sa ilang bahagi ng Davao Oriental at Davao de Oro. Anim pang road sections at isang tulay sa Eastern Visayas, Davao, at Caraga ang naapektuhan ng bagyo.

vuukle comment

NDRRMC

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with