^

Probinsiya

Higit 150K pamilya na binagyo sa Bulacan, tumanggap ng ayuda

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Umabot sa 150,489 pamilya na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa Bulacan ang napagkalooban ng ayuda ng pamahalaang panlalawigan.

Ang bawat pamilya ay tumanggap ng relief packs na naglalaman ng bigas, delata at kape bukod pa sa mga tulong mula sa pribadong sektor at mga ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng ayuda ay ang 19,899 pamilya mula sa Calumpit; 10,331 pamilya sa San Miguel; 14,413 sa Balagtas; 25,330 sa Bocaue; 21,162 sa Hagonoy; 12,032 sa Paombong, 23,748 sa lungsod ng Malolos; 10,580 sa Bulakan; 2,393 sa Bustos; 1,131 sa San Ildefonso at 9,470 pamilya sa Marilao.

Ayon kay Gov. Daniel Fernando, patuloy ang kanilang repacking sa capitol gymnasium upang mahatiran ng tulong ang lahat ng nasalanta. Dalangin niya na wala nang dumating pang bagyo sa panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi naman ni Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Joson-Tiongson na ang nakatatanggap ng ayuda ay ang naapektuhan ng mga bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses. 

vuukle comment

PAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with